Tuesday, July 15, 2008

Kamote Ang Sagot



Ang Kamote

Sabi nila masarap ang kamote

Mura na, mabubusog ka pa

Haayy

Ang kamote talaga ni kuya

Tinitinda sa tapat ng skwela

Ang Kamote

Pwedeng ilaga, i-kamote cue o simpleng pansahog sa paborito mong ulam

Sabi ni Presidente Arroyo

Bukod sa mais at saging

Ang kamote daw ay isang alternatibo para makatawid sa gutom

Tang-ina mo!

At ang kamote mo!

Ikaw kaya kumain ng kamote??

Araw-arawin mo ah

Tignan natin kung hindi ka purgahin

Oo, mahal na ang bigas

Pero sino ang may kasalanan nun?

May tax na nga

Dinagdagan pa ng e-vat

Salamat Recto

Talo ka tuloy sa pagka-senado

e-vat pala ah

Mukha mo!

Wag mo kaming gaguhin

Porke't kayo'y mayayaman

Sa normal na lipunan

Kanin ang kailangan namin kainin

Mahalaga ang kamote

Pero tayo ay Pilipino

Bigas ang kailangan natin

Kamote

Kahit mahirap ka i-digest

At gas forming ka pa

Salamat

1 comments:

Unknown said...

TAE ANG LUPIT MO... SANG AYON AKO SA SINABI MO..
-napadaan lng